top of page

ASYLUM

I. Definition

Ang Asylum ay isang proteksyon ng imigrasyon at mga karapatan na ibinigay sa iyo,bilang isang dayuhan, na pumunta sa U.S. Puwede kang pahintulutang mamalagi  sa U.S. kung mapapatunayan  mo na ikaw ay inuusig sa iyong sariling bansa o magdurusa sa mga pag-uusig kung ikaw ay bumalik sa iyong sariling bansa. Maaari mo ring isama ang iyong asawa at mga  wala pang asawang anak na wala pang dalawampu’t isang taon gulang. Sa pamamagitan ng Asylum maaari kang maging isang permanenteng residente at mamamayan pagkatapos pagkatapos ng  ilang taon kung mayroon kang isang malakas na kaso ng asylum.

II. MGA PANGUNAHING KAILANGAN PARA SA ASYLUM

1. Batayan para sa Asylum
Upang maging eligible sa Asylum kailangan mapatunayan mo na ikaw ay nagdusa sa mga pag-uusig  o   ikaw ay magdurusa sa pag-uusig dahil sa alinman sa mga sumusunod na batayan:

  • Nasyonalidad

  • Pagiging kasapi  ng isang partikular na  social group 

  • Pulitikang opinyon

  • Lahi

  • Relihiyon

* Tandaan na maaari kang mag-aplay ng  higit pa sa isang batayan ng asylum. Halimbawa, maaari mong ipakita na ikaw ay inuusig dahil sa iyong nasyonalidad at sa iyong partikular na social group.

2. Tamang Panahon at lugar ng pagsumite
I-file ang iyong aplikasyon sa asylum  sa loob ng isang taon ng iyong pagdating sa Estados Unidos (pero tandaan na may mga timing exceptions). O kapag humingi ka ng asylum  sa pagpasok mo sa port (border croszsing, paliparan) kailangan mong mag-aplay sa loob ng isang taon ng iyong pagdating sa pamamagitang ng entry point.

3. Walang bar sa Asylum
Hindi ka maaari maging  eligible na kumuha ng asylum kung nakagawa ka ng ilang mga krimen sa nakaraan, at natanggihan ang nakaraang aplikasyon ng asylum, at maaaring alisin ka at dalhin sa  ligtas na third country (depende sa mga kasunduan sa pagitan ng U.S. at ng ibang mga bansa).

III. Mga benepisyo ng Asylum

1. Green card
Pagkatapos ng humigit-kumulang isang taon ng pagkakaroon ng asylum status, ikaw, ang iyong asawa at mga anak na wala pang dalawampung taon gulang  (21) ay maging eligible sa pag-aplay ng green card (permanenteng paninirahan)

2. Awtorisasyon sa Pagiging Empleyado
Kahit na hindi ka puwedeng  mag-aplay para sa  awtorisasyon sa pagiging empleyado pero sa  parehong oras naman ay nag-aapply ka para sa asylum, maaari kang mag-aplay nito sa ibang pagkakataon kung:

  • 150 araw ang lumipas mula noong nagfile ka ng iyong aplikasyon ng asylum; at

  • Wala pang desisyon sa iyong kaso.

* Tandaan na kung nabigyan ka ng asylum status, maaari ka pa ring magtrabaho kahit na wala kang Employment Authorization Document.
3. Social Security Card
Kung nabigyan ka ng asylum status, maaari ka na agad  mag-aplay  para sa   Social Security card.
4. Pamilya
Maaari kang mag-petisyon ng ilang miyembro ng pamilya kung pumasok ka sa US bilang isang refugee sa loob ng nakaraang dalawang taon o nabigyan  ka ng asylum sa loob ng nakaraang dalawang taon.
5. Mga Dokumento sa Pagbiyahe

Kung nais mong bumiyahe  sa labas ng U.S. habang nag-aplay ka para sa o pagkatapos makakuha ng asylum status, kailangan mong kumuha ng pahintulot sa pagbiyahe. Kumunsulta muna sa isang abogado bago maglakbay sa labas ng U.S.

bagong kasO/Konsultasyon
Ang Aming mga Serbisyo

info@usimmigrationplan.com

+ 1 (415) 745 - 3650

100 Pine Street, Suite 1250

San Francisco, CA 94111, USA

Member Logo_2019.jpg

Our brand for entrepreneurs, 

​executives & investors

Visa ng Hindi Migrante

H-1B Visa

L-1 Visa

E Visa

R-1 Visa

​O-1 Visa

​P Visa

​B1/B2 Visa

Migranteng Visa na Nakabase sa Pagiging Empleyado

EB-1: Mga Trabahanteng may Prayoridad

EB-2: Advanced Degree or NIW

EB-3: Mga Bihasa /Hindi Bihasang Trabahante

EB-4: Mga Relihiyosong Manggagawa at Mga Espesyal na Imigrante

EB-5:Visa ng Inbestor

At Iba pa

Petisyon para sa Pamilya

K-1 (Fiancee/Kasintahan) Visa

Visa ng Kasal

Pagsasaayos ng Katayuan sa pamamagitan ng Kasal

Petisyon para sa mga Miyembro ng Pamilya

Petisyo para sa inampong bata

Humanitarian

Asylum & Refugee

​Temporary Protected Status

​VAWA

U Visa

T Visa

Pag-deport / Hakbangin ng Pagpapaalis

Depensa sa Korte ng Imigrasyon

Mga Waiver ng Unlawful Presence Bar

Mosyon  para sa Pagreopen at Pagreconsider

bottom of page