top of page

KUWENTO NAMIN

Si Attorney Dr. Marc Santamaria ay anak ng mga imigranteng Pilipino na lumipat dito noong 1969. Ang kanyang ina ay  nagmigrate dito sa pamamagitan ng isang  working visa. Alam na alam niya sa buong puso niya ang kuwento ng  isang migrante sa pamamagitan ng kanyang pamilya at naturingangring lumaki sa isang komunidad ng migrante – sa  Daly City, California.Nakita niya ang pagsisikap ng kanyang mga magulang,kung paano sila nag-ipon ng lahat ng kanilang makakaya upang makamit ang American Dream. Sa nakita niyang sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang, nahikayat siya nitong parangalan sila  sa pamamagitan ng kanyang sariling pagsisikap.

Mga anak, sundin ninyo ang inyong mga magulang sa Panginoon, sapagkat ito ang nararapat. Igalang mo ang iyong ama at ina. Ito ang unang utos na may pangakong, ikaw ay giginhawa at hahaba ang iyong buhay sa lupa. 

Efeso 6: 1-3

Sa paglaki sa isang immigrant community ang nagbigay inspirasyon kay Marc upang kumonekta sa kanyang mga lahi sa Pilipinas. Pagkatapos niyang magtapos ng kanyang Bachelor's sa Legal Studies sa UC Berkeley .Nag-aral ulit si Marc sa University of the Philippines, Diliman at sumulat ng isang  nai-publish na artikulo tungkol  sa mga Pilipinong imigrante sa U.S. Habang isinulat ang artikulong ito, ininterbyu niya ang isang opisyal ng embahada ng Estados Unidos. Sa pagpunta niya para sa kanyang panayam nakita niya ang mahabang linya ng mga taong naghihintay na makipag-usap sa mga opisyal ng imigrasyon. Ang ilan ay nagmula pa sa timog at kailangang magbangka at mag-eroplano upang makipag-usap sa mga opisyal ng imigrasyon-at manatili doon nang buong magdamag. Hindi makatarungan para sa kanya na madaling makapasok sa embahada at makipanayam sa isang opisyal ng embahada, habang ang iba ay kailangang maghintay ng buong gabi. Sa puntong iyon, alam niya na kailangang maisaayos ang sistema ng imigrasyon ng U.S.

Magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa. Sa gayong paraan ay matutupad ninyo ang kautusan ni Cristo.

Galacia 6: 2

Ang Ibig Sabihin ng Aming Logo

immigration lawyer

Hindi lang basta isda ang ibig sabihin ng aming logo. Ito ay simbolo ng Kristiyanismo para kay Hesus at sa pagtawag niya sa lahat ng Kristiyano na maging mangingisda ng sangkatauhan. (Mark 1:17)"

 

Maging isang mangingisda tayo sa pamamagitan ng pagiging propesyonal, magalang at pagkalinga sa kapwa. At saka , tandaan ninyo na si Hesus na isinisimbolo ng isang krus ay siyang nakakataas o bilang ulo ng sangkatauhan, at ang batas naman ang siyang buntot. Sinusunod natin ang kanyang pamumuno.

Upang makapagbigay ng kontribusyon sa ilang maliit na paraan upang mapabuti ang sistema ng imigrasyon, kahit na bago mag-aral ng batas, si Marc ay nagboluntaryo sa mga tanggapan ng imigrasyon. Tapos, pagkatapos niyang magtapos  sa law school at naging isang lisensiyadong abogado sa California, nagtrabaho siya sa mga tanggapan ng imigrasyon na tumutulong sa mga imigrante na makapagtatag ng kanilang mga sarili upang makamit ang American Dream tulad ng kanyang mga magulang at sa marami pang iba. Naglakbay siya sa mundo upang makilala ang mga kliyente at gumawa ng mga presentasyon sa mga potensyal na imigrante at mga investors.

Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos – na si Jesus, itinatag ni Marc ang tanggapan ng Batas ni Dr. Marc Santamaria na may layunin at vision  na tulungan ang  mga manggagawa, namumuhunan, at mga pamilya na makahanap ng paraan upang makapagtrabaho at manirahan sa Estados Unidos.

bagong kasO/Konsultasyon
Ang Aming mga Serbisyo

info@usimmigrationplan.com

+ 1 (415) 745 - 3650

100 Pine Street, Suite 1250

San Francisco, CA 94111, USA

Member Logo_2019.jpg

Our brand for entrepreneurs, 

​executives & investors

Visa ng Hindi Migrante

H-1B Visa

L-1 Visa

E Visa

R-1 Visa

​O-1 Visa

​P Visa

​B1/B2 Visa

Migranteng Visa na Nakabase sa Pagiging Empleyado

EB-1: Mga Trabahanteng may Prayoridad

EB-2: Advanced Degree or NIW

EB-3: Mga Bihasa /Hindi Bihasang Trabahante

EB-4: Mga Relihiyosong Manggagawa at Mga Espesyal na Imigrante

EB-5:Visa ng Inbestor

At Iba pa

Petisyon para sa Pamilya

K-1 (Fiancee/Kasintahan) Visa

Visa ng Kasal

Pagsasaayos ng Katayuan sa pamamagitan ng Kasal

Petisyon para sa mga Miyembro ng Pamilya

Petisyo para sa inampong bata

Humanitarian

Asylum & Refugee

​Temporary Protected Status

​VAWA

U Visa

T Visa

Pag-deport / Hakbangin ng Pagpapaalis

Depensa sa Korte ng Imigrasyon

Mga Waiver ng Unlawful Presence Bar

Mosyon  para sa Pagreopen at Pagreconsider

bottom of page